Poeta: Nagmahal ng di tama
- Emoterang Maria
- Oct 4, 2017
- 1 min read
Magagawa mo pa ba magmahal,
kung ikaw mismo hindi mo
nagawang mahalin at pahalagahan
ang sarili mo?
Kasama sa pagmamahal mo sa kanya
ay ang pagkawala mo sa tunay na ikaw.
Isang taong binigay at inintindi lahat lahat
para sa kanya, nakalimutan mag tira para
sa sarili mo?
Wala eh naging marupok ginawa lahat
wag lang siya mawala pero sa pag nanais
na hindi siya mawala nagawa mong
talikuran ang mga taong naging sandalan
mo nung nadapa ka sa parehong pagmamahal
na meron ka ngayon.
Pinili mo siya kesa sa kanila
mga taong hindi ka iiwan maging anu ka man
pero sa huli talikuran mo man sila, talikuran
ka man ng taong binigay mo lahat sila hindi.
Pagmamahal na hinamak lahat na sa proseso
nito nawala mo rin ang sarili mong matagal
mong hinubog at pinatatag dahil sa pagkaka
Sadlak sa pag ibig ng di tamang tao. Magagawa
mo pa bang magbago o paulit ulit lang ang
Proseso magmamahal ka pa rin ng maling tao?

Comments